namiss ko magblog infairness.. haha..ayun..
dec.30, 2007..sectorcon ng east 2..
napag-usapan namin na magpunta dun para bisitahin si gay, ako,si mommy lyka, si kuya gino at si kuya lance, actually si mommy lai at si kuya nigs para magjudge talaga, sabit lang ako tska si kuya lance. haha.
so ayun dahil 8am daw ang start, 6 am daw magkikita sa 7 11 sa halang..at dahil dun, 5am dapat ako aalis ng bahay pero 5 30 na ako nakaalis, dumating yata ako dun mga 6 30 narin. so ayun.
pagdating ko dun, akala ko ako na lang ang hinihintay, yun pala ang magaling kong kapatid na si kuya lance ay wala pa. at tagal namin nagantay, 7am na siya dumating. so ayun, alis kami agad dun pagdating niya.
haiz grabe.. isang loooooooooooooooooong journey na puro jeep ang sinasakyan namin.. mula calamaba hanggang siniloan at sa kamalas-malasan ko pa wala akong dalang ponytail so ayun bad hair day talaga yun..
after 800 million years, nakarating na rin kami sa siniloan, yey! pagdating namin, ongoing pa ang mass so ayun, behave muna habang pinagtataguan si gay dahil surprise nga pala ang pagbisita namin sa kanya ni kuya lance. hehe. after ng mass, at di nagtagal, nakita narin kami ni gay, at ang saya, para kaming nag exchange gift na nagpapalitan ng regalo. haha..
sobrang saya ko nung araw na yun kasi sobrang nakita ko dun yung mga taong sobrang namiss ko, tulad na lang nila mama mei at granny. siyempre ang pinaka namiss ko ay si gay at si joy!! haiz sobrang tagal kong hindi nakita ang dalawang yun..
super kwento naman si granny sakin tungkol sa kanyang thailand adventure,, at basta, haha,,natatawa ako..hehehehehe..
ayun, nagstart na ang kanilang competitions at akala ko ay magkkaroon ako ng time na makakwentuhan si kuya lance dahil nga hindi kami judge. pero sa isang idlap, ako'y tinawag ni mama mei para magjudge, ang dami daw kasi. so ayun enjoy naman ako, pers tym yun.. hehe..
after nun, chikka lang, chorva lang.. ngunit sa kasamaang palad, ng aking tingnan ang aking gamit ay nawawalan na ako ng dalawang daang piso. haiz. nawala ang aking kasiyahan. nag alala, dahil iyon na lamang ang aking natitirang pera. huhu. wala ng pag-asa. kasalanan ko rin naman. so ayun lesson learned naman si ako.
aun, matapos iyon ay umalis narin kami ng makarating ng maaga aga pa sa aming mga tahanan. pinagkasya namin ang aming mga sarili sa sasakyan. si granny,si mama mei at si ate ira sa harapan, ako, si kuya lance, si mommy lyka at si kuya gino naman sa likuran. whew! ang sexy namin dahil nagkasya daw kami. haha. kwentuhan at kulitan sa sasakyan..
nang nasa bandang may bay na kami, ayung biglang bumigay ang gulong sa harapan at kami ay naflatan. at ang bait lang ni Lord dahil nang kami ay tumabi doon sa harap ng isang Korean resto ay buong loob nila kaming tinulungan sa pagpapalit ng gulong at nakipagbiruan pa.
nang maayos na ang gulong, nagpatuloy kami sa aming byahe, at nang makarating ng pila ay nagpasyang kumain. kumain kami sa isang tapsilugan na gotohan or whatever dun basta kainan. at dahil wala na nga akong pera, may angel na nagbayad sa kinain ko. hehe. thanks po. nabusog naman ako, kaming lahat. pagkatapos ay pumasok kami saglit sa simbahan upang magdasal at ilang saglit lang ay nagpatuloy na ulit sa aming byahe.
ayun, hinatid kami ni granny hanggang muntinlupa at sabay na nag jeep kami ni mama mei. ayun, nakauwi rin ako ng barya na lang ang laman ng aking kalupi. ang bait ni Lord. at maraming salamat sa mga anghel na tumulong sa akin.. hehe..
ang galing talaga. God provides!! astig!!