Wednesday, August 27, 2008

eto na ang mga nangyari sakin... exams. sonicflood. pyc and others.

grabe. tagal ko pala nawala sa net world. hahahaha.

ano na nga ba mga nangyari sakin?

exams. sonicflood. pyc. daming happenings.

let's see...

after UPCAT.. the next weekend.. ayun nanood ng play na "Namaste" sa pagkalayo layong SM  Centerpoint.. infairness maganda namin.. at galing pa pala ako nun sa calamba dahil nagpunta ako nung morning sa MCG gathering.. ayun bongga.

wahaha. bad memories ang SM  Centerpoint. di talaga maganda mga nangyayari sakin dun kaya wag na natin alalahanin.

after that weekend was examination week.. ayun.. infairness mahirap yung mga exams.. at bonggang napakahirap ng week na yun. none of us expected it. kasi parang ang sarap ng buhay 4th year tapos biglang BAM! haha. isang bagsakan. exam week. projects. notebooks. requirements. halos lahat anjan. heavy talaga. lahat ng 4th year ay puyat niyan. hahaha.

funny pa dun, may nakipagpustahan saking classmate, pataasan daw kami sa English,, go naman ako kasi nakipagpustahan din ang aking other classmates with him on other subjects.. haha.. waiting for the results...

pagkatapos ng bonggang exam week!...

Friday! sonicflood na! yey! 10am pa lang tapos na test ng 4th year.. so ayun maaga uwian. nagmeeting ang group ko sa Filipino for our play. galing nga nun eh. isa lang ang kulang sa group namin. after nun. tambay sa skul tapos nag rob. tambay. bonding. tapos yun punta na ako ng gateway.

pinakauna ako dumating dun. (excited?). haha. hindi noh. tapos dumating na si granny tapos nagdatingan na silang lahat. kumain sa max's. nang away ng staff dun tapos concert na. yey!

"ma'am sir bawal po jan",. haha. di ko makakalimutan yan. wahahaha. saya. nakatutuwa ang concert. masaya. gabi na umuwi. suuuuuuuuuuuuuuuuper tired yet very happy naman ako.

Saturday. nasa bahay lang ako ng morning. afternoon or almost evening. went to sta. cruz with mama angge. daan muna calamba. sumabay kanila mommy lyka. and off we go.

masaya na pagdating sa mcdo. bonding. kain.tawa.

tapos gatid elem. reco. puyatan. haha. go Prod team! i miss you!

wala ng tulugan. go na kami sa pgmnhs. yun. naligo. nagpraktis yung iba at eto na talaga!

haha. bonggang runner ako. at infairness, tumatakbo talaga ako. azar kasi walang headset for communications. haha. thanks to pyc, pumayat na yata ako!haha. joke!

bangag at pagod pero masayang puso.

natapos. marami nangyari. masya.

marami pa talaga nangyari, nakakapagod naman ikwento lahat. may masaya. may malungkot. halos masasaya na lang ikkwento ko. para masya. whahahaha.

Sunday, August 3, 2008

2 great days...

AUGUST 2 2008. SATURDAY.

araw ito ng UPCAT ko. ang sched ko ay 7am. kailangan daw 6 andun na.

gumising ng maaga, 3am. nagdasal. kinabahan. naligo. kumain. umalis ng 4:30 am. di mapakali sa sasakyan. natulog. paggising, ayun, sakto nasa gate na kami ng diliman.

dugdugdugdug. pumasok na agad sa building. institute of chemistry. 100 yata kami sa isang room. katakot yung isang proctor. sungit. dun pa natapat ang naupuan kong chair sa aircon. buti na lang di masyado malamig yung aircon at may jaket ako.

maari daw magdala ng food. ayun. isang plastik na puro tsokoleit, candy at tsokoleit nanaman.

first test, english. first question, nalito na ako agad. haha. toinx. mali sagot ko dun. i just checked.

second test, science. hmmm. acceptably hard. kung baga, normal pa ang pagkamahirap niya. kaya pa naman sagutan. kaso, malilito ka ng bongga!. hehe. nawiwi na ako nito.

math naman. eto na. bongga ang pagkahirap nito. hindi naman mahirap na sadista sa pagkamahirap. pero basta yun. siyempre time pressure, e jusko naman yung mga problems, pagkahaba haba ng solusyon. minsan pa sa ibang tanong, pagkatapos mo magsolve ng pagkahaba haba, yung nakuha mong sagot, wla naman sa choices. haha. toogsh. kwelang nakakainis. nawiwiwi na talaga ako. pero unfortunately, di ko natapos yung test so di ako makawiwi. huhu.

reading comprehension. hmm. oki pa. sanay naman ako sa mabilisang pagbasa. nakakaaliw pa yung ibang tanong. lalo na yung, ittranslate mo yung sentence mula english to tagalog or vice versa. nakakatawa yung choices. haha. toinx. super i want to wiwi na!!!!!!!!!

yun. natapos din! yey. labas ako agad. nakipagchikahan muna sa dalawang mascian na kasama ko sa room. ayun. at sa wakas........................................... wiwi na!!!!!!!!!!! yey! haha.

di ako susunduin nila mama. wala kasi kaming means of communication nun. nawala phone ko. nawala phone ni papa. sira ang phone ni mama. so mahirap maghanapan. nagpaalam ako na gagala muna ako. pero may problema, di ko naman lam panu hahanapin yung mga kasama kong gagala.

so ayun. nag antay. naghanap. may mga nakita naman akong classmates and friends. ngunit, lahat sila ay may sundo. so wala akong nagawa.

naisip ko. ito ay isang pagkakataon para mag muni muni at magnilay. bonnga! perfect time perfect environment. though mejo maingay mga sasakyan, di ko naman nappansin masyado. ano ginawa ko? nilalakad ko ng sobrang bagal ang academic oval para magnilay. malamig yung hangin. tumigil na ulan. wala ng araw.

ang galing. sarap pala magmuni muni. nakakamiss pala yung magkaroon ng oras para sa sarili mo, oras din na makipag usap sa Diyos ko. ang sarap magkaron ng self recollection. ng me time.

sakto pag dating ko sa kabilang dulo. may jeep na dumaan. walang sakay. sumakay na ako, tapos nag mrt hanggang ayala. pagbaba ko ng mrt, nakita ko ang isang pamilyar na mukha. wui si adrian! yey! nabuhayan ako(makakapgsalita na ulit ako. haha.) yayain ko sana mag glorietta. ngunit, kasama niya ang kanyang ina.

so. may part 2 pa pala ang self recollection at me time ko. haha.

ayun. naglunch muna ako tapos naglakad ng bongga at inikot ang buong glorietta at sm. naghahanap. sobrang napagod ako dun. nakakatawa pa, in the end, ang binili ko, ay yung una ko ring nakita. toinx. haha.

dahil pagod na ako, i want to go home na. pero i went to treat myself muna. nag blizzard sa dairy queen. yey! sarap. mudpie. namiss ko yun eh. tpos go home na.

pagdating sa bahay. walang tao. nanuod ako ng telebisyon. tumawag sila mama, tinatanong kung okay lang daw ba ayung ganitong unit ng phone for me. sabi ko, oo naman. kahit ano. di naman ako humihingi eh.

so yun. pagdating nila nagdinner kami. nagkwentuhan. ang saya. hehe. kinalikot ng bahagya ang bagong telepono at natulog. bagsak.

nakakatawa, matapos ang bonggang preparasyon, masasabi ko lng, tapos na? parang wala lang. pero kabado prin siyempre. hehe.

 

 

AUGUST 3, 2008. SUNDAY.

gumising ng maaga para magsimba dahil kami ay may household meeting. katuwa. sinabayan ako ni mama at ni papa magsimba. namiss kong magsimba na kaming tatlo lang.

pumunta ng jabee at hinanap si mama mei. nagkita kami. sumakay ng jeep.pumuntang esme. nagdaldal ako ng bongga sa jeep. haha.

pagdating dun, ayun nag antay. pagdating nila, kwentuhan, kulitan. tapos nag pastoral na. saya. natutuwa ako. bongga. saya talaga. isang linggo ko lang sila hindi nakita at nakausap ngunit, namiss ko sila ng bongga talaga!.

kumain tapos F mode. pero katuwa parin. sadyang kwela ang mga coordinators. di man nila sinasadya, minsan nakatutuwa talaga sila. hahahahahay. ibang saya eh. haha.

umuwi na. sumabay kay daddy ely at mommy joana. hatid muna si ate vea. nakita ko ang dati kong school. huhu. namiss ko. sa labasan bumaba si mama mei. hinatid ako sa bahay ni mommy at daddy.

nagpahinga at eto naginternet. saya. iba. bongga.

sa lahat ng mga nagdasal, maraming salamat. sobrang touched ako sa dami ng mga nagreply sa last post ko kung saan nagpadasal ako.

sa PCG, wala lang. ahahay. kwela. nakakatuwa. nakakatawa. ang sya. mahal ko kayo.

isa sa highlights of my day:

pag uwi ko. may nagtext. sabi niya:

yey! may fone ka na ulit. namiss talaga kita katext.

aww. babaw ko. natuwa lang ako ng bongga. namis ko,rin siya. namiss ko lahat. mwah. lab ko talaga yun. hehe,.

saya noh? bongga ang ligaya ko. salamat ulit sa mga nagdasal

Friday, August 1, 2008

makikisama po sana sa dasal please...

hello friends!

ayun. pahingi naman po ng konting favor.

UPCAT na po namin bukas and sa sunday.

makikisama naman po kami sa prayers nyo.

maraming salamat po.

lahat po kami kinakabahan pero go lang!

Godbless. tenchu po ulet.