napakahirap lang na mahanap mo sarili mo sa isang sitwasyon na hindi mo talaga alam ang gagawin, at hindi mo rin alam kung pano sasabihin sa taong ivolved, kasi sa totoo lang hindi naman kayo close.
di ka makakilos kasi walang signal, walang sign, walang salita mula sa kanya, walang matinong komunikasyon. oo, nag-uusap kayo pero pag kaharap mo na, di mo talaga kayang sabihin ang mga nais mong sabihin. kasi natatakot ka. takot ka, kasi malamang-lamang matatawa siya sa concern mo, o kung seryoso man ang magiging usapan, di niya maiintindihan o di niya magets ang point na nais mong sabihin kasi hndi mo rin ma-elaborate kasi nga di kayo close.
gustong gusto mo siya kausapin kaso, no words come out from your mouth pag andun na.
at ngayon, you're stuck where you are. nag aantay. at di mo rin alam kung dadating ang inaantay mo. kasi di nga di alam ng taong involved na ganyan ang nararamdaman mo. di ka naman pwedeng kumilos lang o gumalaw lang ng basta kasi baka sabihin ng iba, pinapanganuhan mo siya.
panu ka naman kasi hindi malilito kung ang taong involved ay nagsabi ng dalawang contrasting statements.... may oras na sasabihin niyang ikaw na ang bahala pero may oras din na sasabihin niyang, anjan pa siya at wag kang mag alala....
at ngayon may pangyayaring magaganap, sa iba mo pa nga nabalitaan, at di mo nanaman alam ang dapat mong gawin. di mo alam kung maaarin ka na bang makialam. di ka rin nagtatanong para safe.
siguro bahala na......mag aantay na lang ako......sa isang pangyayari o pag uusap na di mo alam kung dadating..kasi napagod ka narin na ikaw ang nag-aaproach.. naiisip mo rin na sana kahit minsan lang, siya naman ang mag-approach at subukang ikaw ay kausapin. pero di mo talaga alam kung dadating yun..
kaya maging pasensyosa ka na lang, at mag-antay, maaaring dumating din yun, maaari ding hindi.. awtz..
No comments:
Post a Comment