Friday, May 22, 2009

kaibigan

matatakutin lang talaga ako eh noh.


masaya ako ngayong linggong 'to.
well actually, to specific days this week made me happy.
but it gave me a different high the whole week. :)


ang sarap lang sa pakiramdam na mawala lahat ng takot mo kasi nangyari na lahat.


matapos ang malateleserye niyong palitan ng linya, in english pa, kasama narin dito ang matinding constructive criticism tungkol sa pagkatao mo, akala mo hindi na maayos ulit ang lahat. kasi nakita mo na ang "the other side" niya. akala mo hindi na maayos muli ang lahat kasi alam mo na masungit siya. soooooooobrang sungit. haha.


matapos nga ang nasabing insidente, alam mo na sa muli niyong pagkikita, maaring hindi mo siya muling makausap ng harapan dahil sa mga nasabi niyo sa isa't isa. nalulungkot karin dahil nga sa baka matagalan pa bago maibalik sa dati ang lahat. ang tawanan, ang asaran, ang paghalakhak ng inyong mga puso at pagkislap ng mga mata sa mga oras na magkasama kayo. at kahit na sinabi ng isang kaibigan na "sigurado, kakausapin ka nun, kahit hi, hello, o kahit tango lang", nariyan parin ang takot sa iyong puso.


dumating ang araw ng muling pagkikita, at tama nga ang hinala mo, hindi ka nga niya kinikibo. aba! napakasungit nga talaga! ngunit sa bawat sandaling magaabot ng tingin ang inyong mga mata, tila ba lumulukso ang puso mo sa hindi malamang kadahilanan. at sa pag-awit ng inyong mga puso, kasabay ng pag-aabot tingin ng mga mata, unti-unti ring lumabas ang mga ngiti.


marunong naman pala siya ngumiti. marunong naman talaga. ayaw lang kasi ilabas. at dahil lumabas na ang mga ngiti, hindi mo napansing nawala na ang takot sa iyong puso.


sa mapaglarong paraan, pinariringgan mo siya. sinasabi mo sa iba na "buti ka pa kinakausap  ako at nginingitian ako". at paulit-ulit mong sinasabi dahil alam mong naririnig ka niya, at hindi nagtagal lumabas na rin ang mga salitang sayo patungo. isang simpleng usapan na kinabibilangan ng marami. isang masayang usapan na puro tawanan. sa kabila nito,alam mong may mga natatanging salitang sa iyo niya talaga sinabi.


at doon mo lang napansing napawi na ang takot. masaya ka. alam mo sa puso't isip mo na hindi iyon ang mga una at huling salitang sasabihin niya sa iyo.


at sa paglabas niyo kasama ang mga kaibigan, sa kasiyahan, alam mong bumalik na sa dati ang lahat. nagsasaya kayong muli ng magkasama. nag-uusap na tulad ng dati. nag-uusap na para bang walang nangyaring malateleseryeng palitan ng linya sa mga linggong nagdaan. masaya nag puso mo. humahalakhak.


muling nag-uusap. muling nagtatawanan. muling naghahawak kamay. muling nagsasaya. lahat muling nangyari ng magkasama. at sa tuwing mag-aabot tingin muli ang mga mata, alam mong naroon parin ang kakaibang kislap. naroon parin ang paglundag ng puso. naroon parin siya.



totoo sa kanyang mga salita, oo, magkaibigan parin kami. tama ka na sa simula palang, totoo siyang kaibigan. na handa sabihin sa iyo laaaaaaahhhhhhaaaaaaaaaatt kapintasan at kamalian mo, kahit na ikagalit o ikatampo mo pa ito. handa niya sabihin ang lahat sa iyo ng may katotohanan dahil alam niyang makabubuti ito para sayo. at handa siyang magmatigas o patigasin ang kanyang puso at sabihing, wala siyang pakialam sayo para ikaw mismo ang maging matatag para sa sarili mo.



tama rin siya sa mga sinabi niya sayo noon na "mayroon tayong dakilang pagkakaibigan, magsimula tayo doon",


at sa muling pagbabalik ng lahat sa dati:

oo. ganun ka pa rin. sarcastic
oo. masungit ka parin.
oo. inaasar mo parin ako.
oo. iniiwan mo parin ako palagi.

pero...

oo. bagay sayo ang bagong buhok mo.
oo. sosyal na ang school at ID mo

at oo.

pinasasaya mo parin ako. :)




at inay. mommy sharky, kaya ako nakangiti sa bus, kasi oo, masaya ako dahil sa lahat ng sinabi ko. :))


at ikaw. yes you. sayaw ka na lang ng jai ho. :P

wee. :P

82 comments:

  1. sa lahat ng babasa nito, walang babanggit ng pangalan. :D itago na lang sa inyong sarili ang inyong mga haka-haka. :D

    ReplyDelete
  2. chessy ni tash oh.kakakilig.haha :D
    wee.inlove :P

    ReplyDelete
  3. yes oh.haha.
    aq din kya inlove kay GOD :p

    so denial?haha.
    or ngdedeny?haha. :)

    ReplyDelete
  4. haha you.re giving too much clues.. haha..

    ReplyDelete
  5. hindi po. sadyang masaya lang ako. :))

    ReplyDelete
  6. haha. :P hindi naman mababasa ng marami eh. :)) shhh.

    ReplyDelete
  7. haha mabigyan nga siya ng link ng post na to.. hahahahaha.. evil.

    ReplyDelete
  8. fine fine.iknow.iknow.haha. :)
    halata nmn eh :D
    goodluck :)

    see yah.tc'gb'mwah!

    ReplyDelete
  9. its okay. he knows. :)). pero waaaaag naaaaaaaaaa. hahahaha. teka nga magbubura ako ng comments. haha. masyado na talagang nahalata ee. :p

    ReplyDelete
  10. ang paghalakhak ng inyong mga puso at pagkislap ng mga mata sa mga oras na magkasama kayo

    *ansakit sa bangs =))

    ReplyDelete
  11. rb, gusto ko makakita ng humahalakhak na puso

    ReplyDelete
  12. sabi ng kapatid ko: ano yan?
    ako: blog.
    kapatid: ang HABA.

    hahahahaha

    ReplyDelete
  13. *pagkakita sa comment ko

    kapatid: *hampas* bat mo ko dinamay?

    ReplyDelete
  14. di pa ko tapos. nakakaluha sa tawa, ang cheesy =))

    ReplyDelete
  15. masaya nag puso mo. humahalakhak.

    *ah. k. =))

    ReplyDelete
  16. hindi ko din alam. wala akong alam. LOL

    ReplyDelete
  17. at oo.

    pinasasaya mo parin ako. :)


    *pinasaya mo rin kami =))

    ReplyDelete
  18. at ikaw. yes you. sayaw ka na lang ng jai ho. :P

    *oooooooooooooh. nakwento mo na nga ata siya nung shout! XDD

    ReplyDelete
  19. halika punta ka dito ng ipakita ko sayo. hoho. :))

    ReplyDelete
  20. tila ba lumulukso ang puso mo sa hindi malamang kadahilanan.


    *chever XD

    ReplyDelete
  21. ganito talaga ninong. ahahahaha. ayan marunong ka na chumever ah. haha. :))

    ReplyDelete
  22. tila ba lumulukso ang puso mo sa hindi malamang kadahilanan.


    *chever XD

    ReplyDelete
  23. grabe ka. nag gegeneralize ko. hoho. kawawa ang mga walang malay. =))

    ReplyDelete
  24. bakit ka naman kasi nagpapaturo manchever?? hoho. :P

    ReplyDelete
  25. alam mong naroon parin ang kakaibang kislap. naroon parin ang paglundag ng puso. naroon parin siya.

    *eto sige =))

    ReplyDelete
  26. haha. YOUR WELCOME!! :D

    ang sakit na sa bang grabe. :))

    ReplyDelete
  27. ako lang shinesharean. magshare ka na din =))

    ReplyDelete
  28. haha di rin. na generalize ka lang din. hoho. masama mag generalize. :))

    ReplyDelete
  29. weh? hahaha. grabe ka rb. at least ako may natapos na akong isang paper. hoho. :))

    ReplyDelete
  30. hindi ko na alam kung san kayo nagrereak HAHAHAHA

    ReplyDelete
  31. grabe ka. nanchechever ka rin naman ah. hohohoho.

    ReplyDelete
  32. hoi biik. napalitan na natin ang deleted comments niya XDD

    ReplyDelete
  33. mali ka ng emoticon ganito dapat. +)). hoho.

    ReplyDelete
  34. nagkoquote ako noh. masyado kayo. parang confe nga. ang sakit niyo talaga sa bang kausapin. hoho. :P

    ReplyDelete
  35. ay mali pala di ako nagkoquote. bakit pa ikoquote? eh ako nga nagsabi nun eh. =))

    ReplyDelete
  36. idedelete mo din ba tong mga to after? HOHOHO XD

    ReplyDelete
  37. hoho. ndi ko idedelete. ang saya saya eh. =))

    ReplyDelete
  38. pwede na bang chever yung thesis ko? XD

    ReplyDelete
  39. matapos ang malateleserye niyong palitan ng linya, in english pa,


    *nakakatakot nga kasi ang english ee. :))

    ReplyDelete
  40. pwedeng pwede! papasa ka na pramis! hoho. :P

    ReplyDelete
  41. kawawa naman si ym nalugi na gawa niyo
    -multiply

    ReplyDelete
  42. "mayroon tayong dakilang pagkakaibigan, magsimula tayo doon",

    *in english: we have a great friendship lets start there.
    *hoho. skeriiiii. :))

    ReplyDelete
  43. napagiwanan.

    ang interactive din pala ng multiply e =))

    ReplyDelete
  44. ahahahahaha. hindi rin. gamit na gamit din naman si ym pag walang blog na checheveran. :))

    ReplyDelete
  45. kainaman XD sino? si thesis ko mismo

    ReplyDelete
  46. ayako na dito... sumasakit mata ko sa colors ni pantasha XD

    ReplyDelete
  47. ahahahaha. ayaw mo nun colorful??? haha.saya nga eh.

    hopia? penge. gutom na. hoho. :P

    ReplyDelete